Panahon na para Baguhin ang Aged Care
UNITED WORKERS UNION: SINO TAYO
Ang mga manggagawa sa aged care (pangangalaga ng matatanda) ay nagtatrabaho ng maayos araw-araw sa pag aalaga ng mga matatanda kahit na hindi sapat ang sahod, kulang sa mga tauhan at walang seguridad ang trabaho.
Karapat-dapat tayong igalang para sa mahalagang trabaho na ating ginagawa sa pagbibigay ng pangangalaga para sa matatandang Australyano.
Ang pagkakaisa ng mga manggagawa sa unyon ang tanging paraan para makamit ang pagbabago sa bawat pasilidad sa Australya.
Bilang mga manggagawa sa Aged Care, Home Care o Disability Support, ang United Workers Union (UWU) ang ating unyon.
Ang ating Union ay naikikipaglaban para sa mga trabaho na maaari nating asahan, na may sapat na sahod at mga kondisyon, at para sa paggalang sa trabaho. At ang ating unyon ay narito para tulungan tayong lahat – nagbibigay ng may kalidad na mga serbisyo at pangangatawan kapag kailangan mo nito.
Panahon na para Baguhin ang Aged Care
Matagal nang nakaligtaan ang mga manggagawa sa Aged Care. Inuuna ng mga provider (tagapagbigay ng serbisyo) ang tubo bago ang pangangalaga at ang mga pagbawas sa pondong bigay ng pamahalaan ay nagdulot ng krisis sa workforce (tauhang-lakas) ng Aged Care.
Ang ating unyon ay namumuno sa isang pambansang kampanya upang maghabol ng totoong pagbabago sa Aged Care. Ang Aged Care na mga miyembro ng unyon sa buong bansa ay nagpatibay sa limang pangunahing mga dapa kailangang gawin:
- Dapat angkinin ng pamahalaang Morrison ang responsibilidad sa anumang krisis sa aged care na kinakaharap ng mga matatandang Australyano.
- Garantiya ng panahon para mag-alaga – bigyan ang mga manggagawa ng sapat na oras para mag-alaga.
- Sapat na suweldo at pagkilala ng ating mga kakayahan.
- Seguridad ng trabaho: ang isang trabaho ay dapat maging sapat.
- Paggalang para sa mga manggagawa sa aged care sa lugar ng tinatrabahoan.
“Lahat ng mga manggagawa sa aged care ay kailangang igalang at bayaran ng sapat na suweldo para sa mahalagang tungkuling ginagawa nila sa pangangalaga ng ating mga matatandang Australyano. Panahon na para tayong lahat ay manindigan at sumuporta sa bawat isa”
– Jen, manggagawa sa Aged Care at miyembro ng UWU sa Queensland.
Magkakasama tayong baguhin ang mga lugar na ating pnagtatrabahoan para maging mas mabuti ang mga ito – dahil ang mga matatandang Australyano at ang mga manggagawang nag-aalaga sa kanila ay karapat-dapat na igalang.
Kung ikaw ay nagtatrabaho sa Aged Care, ang pagsapi sa iyong unyon ang pinaka-epektibong paraan upang masusuportahan mo ang laban para sa pagbabago – ang ating kampanya ay kasing-lakas lamang ng ating mga miyembro!
Upang malaman ang higit pa tungkol sa kampanya at para makisapi, bisitahin ang uwu.org.au/aged-care-campaign
Mga benepisyo ng pagsapi sa iyong unyon.
Ang inyong unyon ay narito para tulungan ka.
Ang mga unyon ay sinimulan ng mga manggagawa, para sa mga manggagawa, upang bigyan tayo ng tinig sa trabaho at sa komunidad. Kung paisa-isa, ang ating mga alalahanin ay maaaring ipagwalang-bahala, ngunit kung sama-sama, tayo ay isang makapangyarihang lakas. Ikaw ay makikiisa sa libu-libo mong mga kasamahan na sang-ayon at mga miyembro na.
Sapat na Sahod at mga Kondisyon
Ang mga miyembro ng unyon ay nagkakaisa para sa mas mainam na sahod at mga kondisyon, paggalang, at seguridad ng trabaho. Dahil sa ating piang sama-samangp lakas na magkaisa at makipag-ayos ng mas mabuting resulta, ang mga manggagawang Australyano na miyembro ng unyon ay kumikita karaniwan ng karagdagang $250 kada linggo.
Pagtataguyod at Suporta sa trabaho
Kapag may dinanas kang di-mabuting pagtrato – katulad ng di-makatarungang pagkatanggal sa trabaho, mga isyu sa kaligtasan o panliligalig sa trabaho, mahalaga ang pagsapi sa unyon. Sa mga pasilidad sa buong bansa, ang mga Delegado ng UWU, mga lider at mga Kinatawan ng Kalusugan at Kaligtasan ay sumusuporta sa iyo. Kapag miyembro ka ng unyon, hinding-hindi ka nag-iisa sa trabaho.
Pagsasanay, Impormasyon at Komunidad
Ang mga miyembro ay makagagamit sa eksklusibong pagsasanay at pag-unlad na dinisenyo para suportahan ka sa trabaho. Ang pagsapi sa unyon ay nagbibigay din sa iyo ng daan sa isang komunidad ng mga manggagawa at ekspertong impormasyon para tumulong sa iyo na malaman ang lahat ng nangyayari sa Aged Care.
Pagsapi sa isang kilusang nananalo
Kapag sumapi ka sa unyon, ikaw ay bahagi ng isang pambansang kilusan na may mahabang kasaysayan ng paninindigan kung ano ang tama. Ang mga Sabado’t Linggo, taunang bakasyon, at superannuation ay dapat ipagpasalamat sa mga unyon. Patuloy nating ipaglalaban ang karapat dapat na sahod at mas mabuting mga kondisyon, ang paggalang para sa mga migranteng manggagawa, at pagwawakas ng di-makatarungang puwang sa sahod dahil sa kasarian. Kung ikaw ay naniniwala sa mas patas na Australya – dapat kang maging miyembro ng unyon!
Mga Madalas Itanong tungkol sa unyon.
Ang UWU ay isang unyon para sa lahat ng mga manggagawa sa Aged Care sa buong WA, QLD, SA at NT. Sakop namin ang mga manggagawang nag-aalaga, kawani ng hospitality, nursing assistant, manggagawa sa laundry, kawani ng mga pasilidad, at manedyer.
Oo, ang mga butaw sa unyon ay 100% na naibabawas sa buwis, na nagpapaliit sa totoong halaga ng pagiging miyembro ng unyon.
Una, sumapi ka sa iyong unyon. Pagkatapos, maaari ka nang mag-lagda para maging lokal na aktibista ng kampanya o lider at sumali sa ating online strike force – na magpapalaki sa ating pagtawag para sa pagbabago sa online. Ang mga miyembro ng unyon ay may paraan din sa mga pagsasanay upang maging delegado o mga kinatawan ng kalusugan at kaligtasan.
Pagsubaybay sa Aged Care
Ang United Workers Union ay lumikha din ng online tool para ang mga manggagawa sa Aged Care ay makapagbahagi, nang di-makikilala, ng kanilang mga istorya sa lugar ng trabaho at magdagdag-puwersa sa mga tagagawa ng desisyon upang pondohan pa ang karagdagang panahon sa pag-aalaga. Libu-libong mga manggagawa ang nakapagbahagi na ng kanilang mga karanasan tungkol sa kakulangan ng tauhan at mga isyu sa bigat ng trabaho.
Sa susunod na makaranas ka ng isang isyu sa trabaho, tiyaking iulat ito sa AgedCareWatch.org.au
Sumali sa ating laban – sumapi sa iyong unyon.
Ang pagsali sa online ay simple at tumatagal lamang ng ilang minuto.